Yayamanin talaga: Heart nagwaldas ng datung sa Paris
Yayamanin talaga si Heart Evengelista na kayang magwaldas ng pera para sa kapritso niya.
ADVERTISEMENT
Parang ginawang Cubao to Quiapo lang ni Heart ang Paris mula sa pagdalo niya sa Cannes International Film Festival.
Bagamat sinasabing hindi naman bababa sa P5K ang pamasahe patungong Paris mula Cannes, maraming bitbit na tao ang aktres, at ito ay ang kanyang glam team.
Siyempre, hindi naman sa “backpacker” magtsi-check in si Heart, kundi sa mamahaling Hotel sa Paris. Kakain pa ito kasama ang kanyang mga friends, magsa-shopping, at kung anu-ano pang puwedeng gawin, sa ilang araw na pananatili roon.
Mapapa-‘sana all’ na lang ang lahat nang nangangarap maging isang Heart Evangelista.
Anyway, muli ngang binalandra ni Heart ang kanyang alindog nang iposte niya ang larawan suot ang lace bra.
Nakababa hanggang lower waistline ang suot ni Heart, na nagpalitaw ng magandang hubog na katawan niya.

Comments
Post a Comment