Selos ba si Julia? Gerald todo alaga kay Ivana sa taping
Para kay Ivana Alawi, chill lang ang showbiz career niya, na hindi naman super busy o superstar level, pero bonggang-bongga pa rin.“I feel very blessed na nabibigyan ako ng mga opportunity na ganito. For them to trust me, malaking bagay talaga,” sabi ni Ivana. Anyway, hindi nga nagdalawang isip si Ivana na tanggapin ang teleserye ng Kapamilya channel na ‘Family Affair’? “Nag-yes agad ako, because ang ABS-CBN ang gumawa. Talagang world class sila. Hindi ako nadadala sa itsura ko, o sa story, kasi alam natin pang-world class talaga sila!” sey pa niya. Anyway, apat na lalake ang araw-araw niyang nakakasama sa taping, at probinsya pa ‘yon, ha! Pero, kanino ba siya mas naging close kina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, Jason Blake? “Lahat kami close. Hindi lang isang tao. Kasi pag nagti-taping kami, grupo kami, lagi kaming magkasama. Kahit sa mga photos, magkakasama kami. Lahat sila close ko talaga,” sabi ni Ivana. Pero, paano ba niya idi-describe ang mga lalakeng nabanggit...

Comments
Post a Comment