Pinagkatiwala Ang Aso Nya sa Isang Eksperto Pero Ganito Ang Nangyari.
TERESA TERESA: Dok Arwin Agcaoili ng CHRV Langkaan 2,Ano ginawa mo sa anak ko. Kay Martin? 💔😠Ang lulusog ng mga aso ko, ang tataba nilang lahat ng iniwan ko sayo. Lahat kumpleto sa bakuna. bakit naman naging ganito. Pinagkatiwala ko sayo ng lubos ang pangangalaga sa 4 na dogs ko. Dahil vet ka kaya kampanti ako na iwanan sila sayo. Dahil sabi mo para narin sila naka check in sa hotel dahi bumili ka daw ng air cooler na gagamitin nila. At sabi mopa sa akin babantayan talaga sila hanggang sa pag tulog. Nagkasundo tayo sa bayad. Yon pala ikinulong nyolang sila sa 1 room na NO elec fan at NO water. Yon ang naabutan ko sa kanila dahil wala tao doon sa bahay na pinaglagyan mo na pinuntahan namin agad pagka galing mismo sa airport ng Sabado, naka lock ang bahay, At pag pasok namin ako mismo nag open ng kwarto kung saan nandoon sina COCO, Lilo at Keanu, walang elec fan at wala silang tubig manlang. Kapag gabi nyolang pala binibisita sila, ðŸ˜ðŸ’” nag message ka sa akin friday ng 8 pm, sabi mo “ma’am mukhang na mi miss ka ng isang alaga mo. Kaya agad agad ako nag video call sayo. Pinakita mo mukha sa akin ni Martin Malungkot sya. Sabi ko dok paki alagaan mo at wag pabayaan dahi uuwi na kami ng Saturday morning. Sige lang message ko sayo ng “update dok” wala ka sinabi sa akin na patay na pala sya by 5 am daw sabi ng asawa mo. At 3 days na pala syang nagsusuka at tae mismong asawa mo nag sabi sa akin,. Ano ginawa mo bilang doktor? Kung sana sa first day palang na ganun kalagayan nya ginamot mo agad. Or sinabi mo sa akin para may nautusan akong tao na puntahan sila. 💔😠pinalala mpa. Ng last night nalang kayo natulog sa kanila na magkakasama dahil very critical na kalagayan ni Martin ko. BAKIT ganun hindi mo sinabi sa akin agad. Nakita mo naman kung anong klaseng pag aalaga ginagawa ko sa kanila dahil ikaw nga ang vet nila. Ang dami nilang pagkain na baon ng hinatid namin sayo. Royal Canin, chicken na may kalabasa at malunggay na prepared na lahat sa plastic labo. Mga hinimay na lahat pakukuluan nalang. Milk, at pedigree baka mag sawa sila sa chicken. May dalang mga laruan, 2 potty trainer, kulungan if in case may mag away sa kanila, takutin lang na ikukulong kunyare. Door mats, kumpleto lahat. Bakit dok bakit nagkaganun si Martin? Asawa mlang ang humarap sa akin. Hanggang ngayon wala ka paliwanag, hanggang ngayon hindi ka nagpapakita sa akin para magpaliwanag. Pagkauwi ko sa 3 dogs ko sa bahay namin. Ito si Keanu naman ang nag aagaw buhay nyayon. Galig kami sa Serbisyo Beterinaryo Animal Hospita. nag positive sa parvo si Keanu, at ito nag aagaw buhay din ngayon. Dok Arwin Agcaoili mananagot ka sa akin at sa mga aso ko. Dinurog mo puso ko at mga puso ng 2 kung anak. Hindi mo alam kung gaano namin silang lahat kamahal.ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ðŸ’”💔💔

Comments
Post a Comment