‘Kinalawang, pumalpak’ Anne naiyak sa pagbalik ‘Showtime’

 Bonggang-bongga nga ang pagsalubong ng mga host ng ‘It’s Showtime’ kay Anne Curtis, na may production number nga silang lahat. Super kanta sina Ogie Alcasid, Ion Perez, Ryan Bang, Jugs, Teddy, at super sayaw naman si Vhong Navarro.





Napakanta rin sina Amy Perez, Karylle, Jackie.


Maliban lang kay Vice Ganda, na hindi kumanta, o sumayaw, pero siya ang nag-welcome sa ‘dyosa’ ng showbiz.


‘Yun nga lang, walang kalatay-latoy ang pag-welcome ni Vice kay Anne. Sinimulan niya ang chika na kesyo hindi raw tuloy ang comeback ni Anne, dahil hindi ito dumating.


Pero hirit nga niya, matabang ang pag-welcome niya kay Anne, dahil simula na naman daw ito ng pagiging putso-putso ng itsura niya kapag katabi na niya si Anne.


Meaning, mababasura na naman ang ganda niya, kahit anong ayos ang gawin niya, kapag katabi na niya si Anne.


“Madlang pipol, hindi totoo. Kinalulungkot naming sabihin na hindi siya makakarating. Excited ba kayo?


“Mismong siya si Anne Curtis ay nangangatog dahil muli siyang magbabalik sa kanyang tahanan. Lahat nananabik, maliban sa akin.


“Sa palagay niyo papayag ako na darating ang isang araw na putso-putso ang itsura ko? Kalu-launch ko lang ng buhok ko, nalaos agad!” patawa-tawang sabi ni Vice.


Pero siyempre, chika lang niya `yon, dahil sa huli, isang sumisigaw na Vice ang nagpakilala kay Anne.


“After more than 2 years, makakasama natin ulit siya, madlang pipol, dahil kahit saan pa siya makarating, the hearts will always find its way home.


“Parang bunganga niyang sabik ng kumanta at chumika. Heto na ang aking first runner up pagdating sa pagandahan, let’s give it up for Asia’s sweethearts, Anne Curtis!” sabi ni Vice.


Aliw lang ang performance ni Anne, dahil ang bongga nga sa simula, pero pag hirit niya ng kanta, bigla siyang tumili, at nagpa-take 2, dahil mali raw ang pasok niya.


Mababa nga ang boses niya sa simula, at tili siya nang tili. Pero siyempre, sa take 2, bumirit na talaga siya.


“Wait lang, isa pa, isa pa! Take 2! Hahahaha!” sabi ni Anne.

Comments

Popular posts from this blog

Selos ba si Julia? Gerald todo alaga kay Ivana sa taping

SIKAT NA AKTOR NAGHIHIRAP NA NGAYON

Kris Aquino Nagpaalam sa Fans